Friday, March 19, 2010

Sandigan daw :-)

Pagkatapos ng defense, siyempre makakahinga ka ng maluwag; makakatulog ka na nang mahimbing. Kaya nga lang, marami pang dapat iedit sa thesis. So sino na naman kaya ang gagawa nito? Ito ang mga pamimilian

A.) Ako
B.) Si Zaide
C.) kaming dalawa
D.) Wala sa mga nabanggit

Kung sa tingin ng nagbabasa ng blog na ito ngayon na ang sagot ay letter D, malamang hanggang ngayon hindi pa kami nakapagpasa ng thesis namin sa Filipino.

Ano ba ang sagot? Obvious naman kung sinu-sino ang gagawa.

Pinasa namin ang Bookbinded copy ng aming Thesis noong March 17, 2010 11:35 PM, para sa kaalaman ng lahat.

Naging maganda naman ang result ng grade namin pero expected ko na mas mataas pa doon ang makuha namin kasi sa totoo lang talagang pinaghirapan namin ang paggawa nun. Hindi ko naman hinihingi ang perfect score dahil alam ko na hindi perfect ang thesis namin.

Eto na ang sumunod na nangyari.

Pagdating ni Professor sa room, isa isang nagtinginan ng thesis namin ang mga classmates ko.
Isa-isahin natin mula sa pinakauna

Ang unang nagbuklat ng thesis, siyempre si leader, sumunod ang epal na mga classmates. Itago natin sa mga pangalang Magkasi, Limin, Gonzales, Morte, Cadayona, at iba pa (in order pa rin yan ng mga ususero at ususera)

Kaagad na nagsumbong si Magkasi kay Batan (hindi niya tunay na pangalan) , ang star ng ating kuwento. "Wala ang pangalan mo sa Thesis" ang dialogue ni Magkasi. "Bakit wala ang pangalan ko diyan? Ayus a!" Pabulyaw na sagot ni Batan.

Nagpanting ang tenga ng gumagawa ng thesis na ito, hindi na pinansin ang iba pang sinabi. At dahil nakakainsulto ang reaction niya, aba'y siyempre magsasalita na ako. Ang sabi ko sa kanya, "Ano ang ginawa mo sa chapters one to five?"

Sinabi niya na gumawa siya ng sandigan ng pag-aaral

"Ah! yung sandigan ng pag-aaral na halatang copy-pasted from other research?"

Noong una, nagandahan ako sa sandigan niya, kaya lang bakit ganun? may mga nirerefer siyang mga author, school, site. Halimbawa, "Ayon kay Boyd..., Ayon sa Wikipedia.org"

Ipagpalagay na authentic ang sandigan niya, na siya MISMO ang gumawa nun. Eh, nasan naman ang kanyang bibliography? Hindi naman pwedeng maisama sa thesis ang ganung research. Kaya dapat tanggalin. Pasalamat siya dahil may grade siya sa evaluation ng mga members at nilagay ko ang ginawa niya sa list ni Prof.

Don't worry Batan, may grade ka naman, Ang problema lang wala kang acknowledgment at cv.
Nagpasa nga siya ng acknowledgment. Oo totoo yun, pero hindi ko itatype, EXCUSE ME NAMAN! Ako pa ba ang gagawa nun? UTANG NA LOOB!! :-)

Imagine that, sa 1.5 hours na ibinigay ng prof namin para magresearch, acknowledgment lang ang ginawa. Ang ito ang matindi pa sa gulpi de gulat, Sinu-sino ang pasasalamatan mo kung wala ka namang naging effort sa paggawa ng thesis?

Ganito ang nabasa ko sa acknowledgment niya:

"Lubos na nagpapasalamat ang mananaliksik ( si Batan) sa mga taong naging inspirasyon sa paggawa nito"

Talaga lang ha! At sino naman ang naging inspirasyon niya? Baka naman kinupya na naman niya ang acknowledgment sa ibang thesis.

Kung kaming dalawa nga ni ZRL hindi pa nakakagawa ng acknowledgment at cv dahil inuna namin ang chapters one to five, sila pa itong makapala ang mukha ng magpasalamat "sa mga taong naging inspirasyon" daw ng ano? Ng pag-aaral? So, ano ba ang title ng pag-aaral namin? Ni hindi nga nasagot sa oral defense ang napakadaling tanong.

Ang sabi ng Prof namin isama lahat ng member sa thesis. Ok, Ok! Nandoon na tayo. Lahat isasama na. Ang kailangan na nga lang gawin magpasa ng acknowledgment at cv. Ano ba ang gusto nilang gawin? Iasa pa sa akin ang paggawa noon? Lahat naman nasabihan na gumawa ng acknowledgment at cv pagkatapos ng defense namin. Hindi ginawa kaya hindi isasama ang mga hindi nagpasa. Kung tatanungin nila kung bakit kasama sina AETD, ALG, at AOA sa thesis, yun ay dahil nagpasa sila ng acknowledgment at cv. Nasabi ko na dito sa blog ko na ang magiging dahilan ng pagkaantala sa pagpasa ng thesis ay tatanggalin. Bakit pa ba iintayin ang mga katulad nila? At isa pa, MAYROON CONTRIBUTION SA PAGPA-BOOKBIND NG THESIS. Dahil may interest naman silang gumawa ng acknowledgment at cv, dinagdagan ko ang grade nila sa evaluation.

1 comment: