Friday, March 19, 2010

Sandigan daw :-)

Pagkatapos ng defense, siyempre makakahinga ka ng maluwag; makakatulog ka na nang mahimbing. Kaya nga lang, marami pang dapat iedit sa thesis. So sino na naman kaya ang gagawa nito? Ito ang mga pamimilian

A.) Ako
B.) Si Zaide
C.) kaming dalawa
D.) Wala sa mga nabanggit

Kung sa tingin ng nagbabasa ng blog na ito ngayon na ang sagot ay letter D, malamang hanggang ngayon hindi pa kami nakapagpasa ng thesis namin sa Filipino.

Ano ba ang sagot? Obvious naman kung sinu-sino ang gagawa.

Pinasa namin ang Bookbinded copy ng aming Thesis noong March 17, 2010 11:35 PM, para sa kaalaman ng lahat.

Naging maganda naman ang result ng grade namin pero expected ko na mas mataas pa doon ang makuha namin kasi sa totoo lang talagang pinaghirapan namin ang paggawa nun. Hindi ko naman hinihingi ang perfect score dahil alam ko na hindi perfect ang thesis namin.

Eto na ang sumunod na nangyari.

Pagdating ni Professor sa room, isa isang nagtinginan ng thesis namin ang mga classmates ko.
Isa-isahin natin mula sa pinakauna

Ang unang nagbuklat ng thesis, siyempre si leader, sumunod ang epal na mga classmates. Itago natin sa mga pangalang Magkasi, Limin, Gonzales, Morte, Cadayona, at iba pa (in order pa rin yan ng mga ususero at ususera)

Kaagad na nagsumbong si Magkasi kay Batan (hindi niya tunay na pangalan) , ang star ng ating kuwento. "Wala ang pangalan mo sa Thesis" ang dialogue ni Magkasi. "Bakit wala ang pangalan ko diyan? Ayus a!" Pabulyaw na sagot ni Batan.

Nagpanting ang tenga ng gumagawa ng thesis na ito, hindi na pinansin ang iba pang sinabi. At dahil nakakainsulto ang reaction niya, aba'y siyempre magsasalita na ako. Ang sabi ko sa kanya, "Ano ang ginawa mo sa chapters one to five?"

Sinabi niya na gumawa siya ng sandigan ng pag-aaral

"Ah! yung sandigan ng pag-aaral na halatang copy-pasted from other research?"

Noong una, nagandahan ako sa sandigan niya, kaya lang bakit ganun? may mga nirerefer siyang mga author, school, site. Halimbawa, "Ayon kay Boyd..., Ayon sa Wikipedia.org"

Ipagpalagay na authentic ang sandigan niya, na siya MISMO ang gumawa nun. Eh, nasan naman ang kanyang bibliography? Hindi naman pwedeng maisama sa thesis ang ganung research. Kaya dapat tanggalin. Pasalamat siya dahil may grade siya sa evaluation ng mga members at nilagay ko ang ginawa niya sa list ni Prof.

Don't worry Batan, may grade ka naman, Ang problema lang wala kang acknowledgment at cv.
Nagpasa nga siya ng acknowledgment. Oo totoo yun, pero hindi ko itatype, EXCUSE ME NAMAN! Ako pa ba ang gagawa nun? UTANG NA LOOB!! :-)

Imagine that, sa 1.5 hours na ibinigay ng prof namin para magresearch, acknowledgment lang ang ginawa. Ang ito ang matindi pa sa gulpi de gulat, Sinu-sino ang pasasalamatan mo kung wala ka namang naging effort sa paggawa ng thesis?

Ganito ang nabasa ko sa acknowledgment niya:

"Lubos na nagpapasalamat ang mananaliksik ( si Batan) sa mga taong naging inspirasyon sa paggawa nito"

Talaga lang ha! At sino naman ang naging inspirasyon niya? Baka naman kinupya na naman niya ang acknowledgment sa ibang thesis.

Kung kaming dalawa nga ni ZRL hindi pa nakakagawa ng acknowledgment at cv dahil inuna namin ang chapters one to five, sila pa itong makapala ang mukha ng magpasalamat "sa mga taong naging inspirasyon" daw ng ano? Ng pag-aaral? So, ano ba ang title ng pag-aaral namin? Ni hindi nga nasagot sa oral defense ang napakadaling tanong.

Ang sabi ng Prof namin isama lahat ng member sa thesis. Ok, Ok! Nandoon na tayo. Lahat isasama na. Ang kailangan na nga lang gawin magpasa ng acknowledgment at cv. Ano ba ang gusto nilang gawin? Iasa pa sa akin ang paggawa noon? Lahat naman nasabihan na gumawa ng acknowledgment at cv pagkatapos ng defense namin. Hindi ginawa kaya hindi isasama ang mga hindi nagpasa. Kung tatanungin nila kung bakit kasama sina AETD, ALG, at AOA sa thesis, yun ay dahil nagpasa sila ng acknowledgment at cv. Nasabi ko na dito sa blog ko na ang magiging dahilan ng pagkaantala sa pagpasa ng thesis ay tatanggalin. Bakit pa ba iintayin ang mga katulad nila? At isa pa, MAYROON CONTRIBUTION SA PAGPA-BOOKBIND NG THESIS. Dahil may interest naman silang gumawa ng acknowledgment at cv, dinagdagan ko ang grade nila sa evaluation.

Saturday, March 13, 2010

Life will never be fair

nakakatuwa naman ang mga groupmates ko dahil lahat sila ay excited gumawa ng acknowledgment at cv para sa thesis namin. samantalang nung gumagawa ng chapters one to five kahit isa hindi interesado. pwede na ba ngayon ang hitchhiking? sana nagbigay sila ng cooperation sa chapters one to five... may gumawa pero copy-pasted sa isang site, may gumawa nga pero not related sa topic, may gumawa pero halatang hindi pinag-isipan.


sana ang thesis gawing individual para walang asahan. maganda ang suggestion ng prof ko. thesis proposal niya: "dahilan ng pagbagsak ng mga estudyante ng kursong *** sa asignaturang pagbasa at pagsulat sa iba't-ibang disiplina (fi 112). sana noon pa lang tumulong na sila para may naisagot sa oral defense at para hindi na nila i-enroll ang subject na ito next semester. ang hindi magbayad ng contribution para sa pagpabookbind o magiging dahilan para madelay ang pagpasa ng thesis ay tatanggalin. buti na lang nakapagbasa siya (groupmate ko) ng abstrak kaya may naisagot. pero akala niya lusot na siya.


Prof: may tinulong ba siya?
Stud: wala po
prof: bakit nakasagot?
stud: nabasa po ang abstrak namin.


remarkable lines nila;

*hindi ko kayang tagalugin ang haypotesis. (tama bang mangopya ng hipothesis sa ibang thesis?, english pa!)
*naprint ko na, nasa bahay, nakalimutan ko. (sinung niloko mo? akala mo maniniwala ako sa iyo)
*oo, pupunta kami ng library
*anung gagawin? (WALA. malaking wala dahil tapos na ang thesis, bakit pa ba magtatanong kung hindi naman tutulong?)
*magmemeryenda muna ako (naisip mo pa iyon kesa tumulong?)

*anung oras pwede umuwi? hindi ako pwede ng 6pm (artista ka day? ma appointment ka?,strict ba parents mo?)
*etc. (basta marami pang dahilan)

bakit ba 3 days bago ang oral defense ibibigay ang survey tally? kaya mo bang gawan ng chapter 4 yan sa ganoong oras? kailangan pa bang magsurvey uli ng 100 students dahil hindi man lang ibinigay ng mas maaga ang survey tally tapos papasok lang kung kelan magdedefense....at ang sasabihin lang "sorry", para saan ang sorry.

kung makapagsalita pa akala mo ang laki ng naitulong, ganito ang text:

(from our chat)

zaide Llorico (2:18 PM): naks..
zaide Llorico (2:18 PM): 1st text
zaide Llorico (2:19 PM): Gudeve,zaide... .ahmmm.papasok pa ba yoU on Nxt tuesday sa pilipino?
zaide Llorico (2:19 PM): 2nd txt
close (2:19 PM): may narration? ? ?
close (2:19 PM): next
zaide Llorico (2:20 PM): kailan ba u papasok sa pilipino? lam u kc d pa tapos ung tisis natin kung gus2 u pa pumasok k naman kac sobrang hirap na ng gagawin ... tapos ung defens natin sa march 11 na..
zaide Llorico (2:20 PM): 3rd text
close (2:20 PM): hahahahahahahh aahaha
zaide Llorico (2:20 PM): hey zaide nagawa u na ba un pinapagawa sa u ni ranier..
zaide Llorico (2:20 PM): 4rth txt
close (2:20 PM): para namang napakalaki ng contribution nya
zaide Llorico (2:21 PM): hey!!! sure ka ba papasok pa u next tuesday at saka mag reply ka naman para di ako magmukang tanga kakahingtay sau atpara ma sure lkung interesado ka pa sa group
zaide Llorico (2:21 PM): natin*
zaide Llorico (2:21 PM): 5th text
close (2:21 PM): hayaan mo siya magmukhang tanga
close (2:21 PM): ano pa
zaide Llorico (2:21 PM): ako lng naman ang nag tali sa sarbey!!! at nakakabanas na ung mga kagrupo naten na walang ginagawa
zaide Llorico (2:22 PM): 6th txt
close (2:22 PM):
close (2:22 PM): teka ilang text ba yan?
zaide Llorico (2:22 PM): wait lng ^^, hahaha
close (2:22 PM): masama loob nia?
zaide Llorico (2:22 PM): susme.. rain
zaide Llorico (2:22 PM): pinamuka nya saken wala ako nigagawa
zaide Llorico (2:22 PM): ^^, susme.. naman..
zaide Llorico (2:22 PM): mababaliw na nga ako..
zaide Llorico (2:23 PM): hehehe
close (2:23 PM): siya naman nagsabi siya daw magtally ng survey
zaide Llorico (2:23 PM): ^^, hehehe
zaide Llorico (2:23 PM): hehe..
close (2:23 PM): tapos hindi naman binigay sakin nung friday
close (2:23 PM): kelan pa ggawin un
close (2:23 PM): madali lang naman magtally nun
close (2:23 PM): kaya ba niya iinterpret yun
zaide Llorico (2:23 PM): ^^, awoooooooooooooo oooooooooo ako na sa chapter 2
close (2:23 PM): ? ? ? ? ?
zaide Llorico (2:23 PM): wooo..
zaide Llorico (2:24 PM): ok lng yan..
zaide Llorico (2:24 PM): taray nya sa text hehe ahihi
close (2:24 PM): baka hindi kinaya
zaide Llorico (2:24 PM): buti di ako sumagot rain
zaide Llorico (2:24 PM): baka makita nya hanapin nya heheh^^, ayaw ko ng ganyan eh^^,
zaide Llorico (2:24 PM): woooooooooooooo ooooooooo
zaide Llorico (2:24 PM): apir



naisip ba nila kung gaano nakakapagod magencode ng chapters one to five? kahit masakit sa kamay, tuloy tuloy lang para matapos.
naisip ba nila na mabigat magdala ng laptop araw-araw at umuwi ng 10pm sa tondo (thanks zaide, maaasahan ka talaga. buti na lang groupmates tayo :-)
naisip ba nila ang pakiramdam kapag naabutan ng closing sa library habang sinasabi mo na "sandali na lang po, magsi-save na po kami"
alam ba nila na napagsabihan kami sa library na bawal mag charge ng basta-basta. at dahil may charging station, hindi pwedeng mag-encode habang nagcha-charge (kilala na nga kami ng librarian doon, pero siya di namin kilala :-P )
alam ba nila na madalas akong ma-late sa stats class ko para lamang sa thesis na to
alam ba nila kung anu-anu pa ang sacrifice namin para dito habang sila nagpapakasaya, nagtatawanan, nagkukulitan, (tingnan natin kung makatawa pa kayo pag nareceive nyo grades niyo sa finals)
at pagtapos ng oral defense, nakuha pa nilang magsaya. enjoy sa pagpa-picture na ilalagay sa cv nila. ok lang, may next sem pa.


THE END...


QUE BARBARIDAD....